1. Maghalo ng 2 kutsarang oatmeal, 3 kutsarang honey, 2 kutsarang lemon juice at kaunting tubig para makagawa ng paste. Dahan-dahang i-scrub ito sa mukha ng ilang minuto at iwan ng 10 minuto bago banlawan.
2. Gumawa ng facial scrub gamit ang 1/2 tasa ng asukal at 3 kutsarang olive oil. Lagyan ng 3 kutsaritang honey at kaunting lemon juice. I-scrub ito ng ilang minuto sa mukha at hugasan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.
3. Tanggalin ang laman ng 2 tea bags at haluan ng 3 kutsaritang honey. Haluin para makagawa ng paste. Ipahid sa mukha at iwan ng 10 minuto. Dahan-dahang tuklapin ang mask ‘pag natuyo na gamit ang basang daliri. Gawin ito isang beses sa isang linggo.
4. Maghalo ng 3 kutsarang coffee grounds, 1 kutsarang extra virgin olive oil o almond oil, 1 kutsarang honey, at 1 kutsarang refined sugar. Masahihin ang paste sa mukha, leeg, at siko. Iwan ito sa balat ng 10 minuto bago banlawan ng tubig. Gawin ito isang beses sa isang linggo.
5. Magbabad ng 10 pirasong almonds magdamag sa tubig o mas maganda kung sa gatas. Kinaumagahan balatan ang almonds at i-grind ito para makagawa ng paste. Haluan ng 2 kutsaritang honey at ipahid sa mukha at leeg. Iwan ito ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.
6. Maghalo ng magsingdaming orange peel powder at plain yogurt para makagawa ng paste. Ipahid sa mukha at leeg at iwan ng 20 minuto. Gamit ang basang kamay tanggalin ang paste sa mukha. Gawin ito 1 beses sa isang linggo.
7. Balatan ang buto ng avocado at i-grind gamit ang coffee grinder o blender. Maghalo ng 1 kutsara nito at tig-1 kutsaritang olive oil at honey. Imasahe ito sa mukha, leeg at siko at iwan ng 15 minuto bago banlawan. Gawin ito 1 beses sa isang linggo.