Kagat ng bubuyog o putakte
1. Tanggalin ang stinger agad-agad pag nakagat ng bubuyog. Kalkalin at kamutin ang apektadong parte o kaya’y gumamit ng tiyane. Hugasan ang pinagtanggalan ng stinger ng antiseptic soap at tubig. Patuyuin at lagyan ng antiseptic ointment.
2. Pagkatanggal ng stinger, lagyan ito ng yelo na nakalagay sa manipis na tela. Iwan ito ng 10-15 minuto. Ulitin ang proseso pagkalipas ng ilang oras hanggang mawala ang sakit at pamamaga.
3. Maghalo ng 1 kutsarang baking soda at kaunting tubig para maging paste. Ipahid ito sa kagat at iwan ng 10-15 minuto. Banlawan ito ng maligamgam na tubig.
4. Magsawsaw ng bulak sa apple cider vinegar at idampi ito sa nakagat na parte ng katawan. Hayaan itong nakadampi ng 5-10 minuto.
5. Pahiran ng raw honey ang apektadong parte ng katawan at hayaang matuyo. Hugasan ito ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso makailang beses sa isang araw.
6. Kumuha ng dahon ng aloe vera at hiwain para makuha ang gel. Ipahid ang gel sa apektadong parte. Ulitin ang proseso ng ilang beses sa isang araw sa loob ng tatlong araw.
7. Magdurog ng regular aspirin at lagyan ng tubig para makagawa ng paste. Pahiran ang kagat at hayaan ng ilang minuto bago hugasan ng maligamgam na tubig.
- Latest