Lotus feet sa China

Nauso sa China ang tinatawag na foot binding o ang tinatawag na pagkakaroon ng lotus feet. Ang nakaugaliang ito ay masakit dahil bata pa lang ay isinisiksik na sa maliit na sapatos ang paa ng mga babae. Pinaniniwalaang nagsimula ito sa mga upper-class court dancers noong Five Dynasties and Ten Kingdoms period sa Imperial China (10th to 11th century). Naging popular ito sa Song dynasty at kumalat na sa lahat ng social classes.

Ang foot binding ay naging popular dahil sa pagdidispley ng status. Ang mga babae mula sa mayayamang pamilya na hindi kinakailangan ang paa para magtrabaho ang kaya lamang nitong gumawa. Ito rin ay isang simbulo ng kagandahan sa kultura ng mga Chinese.

Pero ang foot-binding ay nagdedepende sa iba’t ibang parte ng bansa.

Subalit sinubukan ng emperador ng Manchu Kangxi na i-ban ang foot-binding noong 1664 pero hindi siya nagtagumpay. Sa mga huling taon ng 19th century ay pinilit din itong kuwestiyunin ng Chinese reformers pero noong early 20th century lang tuluyang namatay ang kaugalian dahil sa anti foot-binding campaign. May mga pang-habambuhay ka­sing side effect ang pagkakaroon ng lotus feet.

Show comments