^

Para Malibang

Aswang Territory (207)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

DALA na nila ang mga armas na kinuha sa condo unit ni Draz pero dumaan muna sa mga simbahan sina Avia.

Para humingi ng holy water. Matulungin ang mga pari.

“Magbibendisyon pa kami ng maraming tubig para marami ka­yong bala. Kung may sasakyan kayo, dalhin n’yo na rin ang mga plastic containers na paglalagyan namin ng holy water.”

“Salamat po, Father. Iyan nga po ang gagawin namin. May van po kami.”

“At huwag kang mag-aalala, iha. Ipagdadasal namin kayo. Tatawagan ko ang ­aming Obispo para hilingin na sabihan ang ibang mga pari sa iba-ibang parokya na gawin itong mga ginagawa namin.”

“Yes, Father. Salamat po talaga.”

“Magpapadala pa kami ng galon-galon na tubig na benditado doon sa pupuntahan ninyo. Gamit ang aming mga sasakyan.”

Naluha sa kaligayahan si Avia. Kahit aswang siya at hindi katoliko, naniniwala na siya sa kabutihan ng simbahan.

PERO pagdating nila sa ospital, ayaw silang payagan ng mga head ng pulisya at kasundaluhan na sumali sa pakikipaglaban kay Simeon.

“Mga civilians kayo. Hindi puwede. Manga­nganib kayo at wala kaming karapatang gawin iyon sa inyo. Magtiwala na lang kayo sa amin, nag-iisa lang ang aswang na ‘yan, kaya namin siya.” Sabi ng head ng kapulisan.

“Tama si Hepe. Ang dami namin dito, we can kill that beast o ano man  siya!” Buong tapang din na sinabi ng head naman ng mga kasundaluhan.

Walang magawa si Avia dahil nasa lugar naman ang mga taong ito.

Kinausap na lang niya ang mga magulang ni Armani at mga kabataan. “Maghintay na lang tayo dito. Kapag natatalo sila ni Simeon, may permiso man o wala, tutulong tayo.”

“Hindi ba natin sasabihin sa kanila na holy water na lang ang ipambaril nila kay Simeon?” Tanong ng ama ni Armani.

“Hindi po natin sila maaring pangunahan dahil  mga tao silang may awtoridad. Supposed to be, kahit ang mga disisyon nila ay dapat din nating igalang.”

Kaya nasa tabi lamang sila, nagmamasid.

Nagsimula na ang paghahalughog sa lahat nang kisame.

Ang mga pasyente naman ay pinagtipon-tipon sa iilang silid lang na may mga bantay na armado.

Hindi nagtagal at narinig na nina Avia ang mga putok pero mas malakas ang sigaw ng mga sakit, takot at kamatayan. - ITUTULOY

 

                                                                        ITUTULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with