^

Para Malibang

Pilay sa paa

PITO-PITO - Pang-masa

1. Magpainit ng tatlong kutsarang castor oil sa pan at isalin sa lalagyan. Magdampi ng tela na gawa sa cotton sa pinainit na castor oil at pigain ang sobra. Itapal ang tela sa paa at i-secure ito gamit ang cling wrap.

2. Maglublob ng dahon ng repolyo sa mainit na tubig sa loob ng 2-3 minuto pagkatapos ay banlawan ito sa malamig na tubig para matigil ang pagkaluto nito. Ibalot sa paa ang dahon ng repolyo at i-secure gamit ang cling wrap. Tanggalin pagkatapos ng kalahating oras.

3. Lagyan ng ice pack ang apektadong bahagi ng paa at iwan ng 5-10 minuto. Ulitin ang proseso ng ilang beses sa isang araw para mabilis mawala ang pananakit.

4. Magpainit ng 3-4 kutsarang extra virgin coconut oil at isalin sa lalagyan. Magdampi ng cotton ball sa oil at pahiran ang napilay na paa. Masahihin ang paa ng 5-10 minuto.

5. Maghiwa at durugin ang isang sibuyas at lagyan ng isang kutsaritang asin. Ilagay ito sa tela at ibalot sa paang may pilay. Iwan ito ng 2 oras.

6. Maghalo ng isang kutsarang turmeric powder, isang kutsarang lime juice at kaunting tubig para makagawa ng paste. Ipahid ang paste sa paa at balutan ito ng cotton cloth. Iwan ito ng ilang oras.

7.Magtunaw ng isang tasa ng epsom salts (magnesium sulfate salts) sa dalawang litro ng mainit na tubig sa batya. Ibabad ang paa ng kalahating oras.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with