Samal Island, Davao

Ang Samal Island ay isang isla na matatagpuan sa Davao City, ang kapital ng Mindanao at kung saan din ang galing ang bagong presidente na si Pres. Rodrigo Duterte.

Kilala rin ito sa tawag na “Garden City of Samal” na dalawang metro ang layo sa Davao at 1400 kilometro naman sa Maynila.

Kakaiba ang ganda ng isla na ito dahil kahit na na-develop na, ay makikita mo pa rin ang natural na ganda ng isla. Maraming puti at pinking na buhangin sa mga dagat nito at puro world-class ang mga resort.

Sa 70 resort na ma­tatagpuan sa isla, siguradong makakahanap ka ng budget na swak sa inyong bulsa. Crystal blue ang tubig dito at napakalinaw. Perfect destination ito ng mga nagha-honeymoon, magbabarkada, at ma­ging pang pamilya.

Beach hoping at diving ang ilan sa mga aktibidad na pwede gawin sa isla na ito at higit sa lahat, ang pagtikim ng mga pagkaing ipinagmamalaki sa nasabing isla.

Show comments