^

Para Malibang

Natural na pampaputi ng ngipin

PITO-PITO - Pang-masa

1. Mag-mash ng strawberries at gawin itong toothpaste dalawang beses sa isang linggo. Maaari rin kainin ito basta’t patagalin lang ang pagnguya.

2. Mag-floss dalawang beses sa isang araw para matanggal ang mga tinga sa pagitan ngipin. Nagpapaputi ito ng gilid ng ngipin bukod sa makakaiwasa sa pagkasira ng mga ito.

3. Magsipilyo gamit ang pinaghalong baking soda na may lemon. Iwan ito ng isang minuto lamang. Hindi dapat lumampas sa isang beses sa isang linggo ang pagsipilyo nito dahil nakasisira ng tooth enamel ‘pag nasobrahan. ‘Wag rin iwan ng mas matagal sa isang minuto ang mixrture sa ngipin dahil ang acid nito ay nakasisira rin ng enamel.

4. Kumain ng crunchy fruits and vegetables tulad ng mansanas, carrots at celery. Bukod sa nakukuskos ng mga ito ang mantsa sa ngipin, nakapagpapaputi ng ngipin ang mga acid ng gulay at prutas.

5. Gawin ang oil pulling na isang Indian remedy. Kumuha ng isang kutsarang pure at organic oil at imumog ng 15-20 minuto. Siguruhing makakapasok ang oil sa pagitan ng mga ngipin. ‘Wag iinumin ang oil at magmumog ng 2-3 baso ng purified water.

6. Magmumog ng food-grade hydrogen peroxide (FGHP) ng ilang segundo bago idura. Maaari ring maghalo ng magsindaming FGHP at tubig at imumog ng 1 minuto.

7. Gumamit ng straw kung iinom ng tsaa, kape, soda at wine para hindi direktang makamantsa ang mga ito sa ngipin. Kung kaya iwasan ang mga inuming ito ay mas maganda.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with