Bestfriend o Utol?
Dear Vanezza,
Ako po si Jill, 19 years old. Sobra po kaming close ng bestfriend ko. Alam po niya lahat ng sekreto ko. Pero nang aminin ko sa kanya na type ko ang kuya niya, bigla po siyang nagbago. Nagkataon na gusto rin ako ng kapatid niya. Kaso bigla niya akong sinisiraan sa kuya niya at sinabi nito lahat ng kapilyuhan ko sa ibang lalaki. Nagbago na po ako. Ano po ang gagawin ko?
Dear Jill,
Maaaring nag-alala lang ang besfriend mo na gawin mo sa kuya niya ang kapilhan mo. Kung talagang nagbago ka na. Wala kang dapat ikatakot lalo’t gusto ka rin ng utol niya. Sana ay magkasundo uli kayong magkaibigan at tuluyan kang magustuhan ng utol niya. '
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest