^

Para Malibang

Vitamins Para sa Sex Life (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Kung gusto ninyong mag-improve ang inyong sexual health, narito ang mga vitamins na makatutulong sa ating sex life.

Nauna na nating natalakay ang Vit. C na nakatutulong sa blood flow  para sa erection at ang vitamin E for “ecstasy”  na tumutulong sa production ng sex hormones, attraction, desire, at mood bukod pa sa antioxidant qualities na ito na pumipigil sa signs of aging. 

Narito ang iba pang vitamins para sa ating sex life:

Folic Acid/Folate (Vitamin B9) - Ang Folate ang natural vitamin sa mga pagkain habang ang folic acid ay ang man-made version na makukuha sa supplements.

Makukuha ang Folate sa fortified cereals, lentils, o patani, spinach, broccoli, asparagus, cantalope o melon, itlog, avocado, kamatis,  at iba pa. 

Nadiskubre ng mga researchers na ang folate ay pangontra sa birth defects, tulad ng spina bifida sa mga babies.

May mga pag-aaral ding nagsasabing may koneksiyon ang folate/folic acid sa reduction ng abnormal sperm. Sinasabi ring may koneksiyon ito sa increase ng sperm kung isasabay ito sa zinc

Vitamin B12 (Cobalamin) - Nerves at blood cells. Ito ang panlaban sa anemia na nagpapahina sa iyong katawan.

Makukuha ang Vitamin B12 sa shellfish, atay ng baka, isda (makerel), alimasag, fotified cereals, red meat (baka), low fat dairy milk, skim milk, at iba pa.

Ang Vitamin B12 ay sinasabing may kinalaman sa sperm. Tumutulong ito sa sperm production, kung kulang sa bitaminang ito ay maaaring bumaba ang sperm count o magkaroon ng tamad na sperm.

Gayunpaman, wala pang sapat na ebidensiya kung makatutulong ang Vit. B12 suppliments sa mga lalaking may infertility. – ITUTULOY    (SOURCES: health.howstuffworks.com at http://www.livestrong.com)

MALDITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with