Lalaki nahulog sa tsimineya habang ‘naglalaro’

Isang hatinggabi habang mag-isa si Brad Sapp sa redemption center sa Carroll, Iowa na kanyang pag-aari ay nakarinig siya ng boses na nagsasabing “get out of here.”

“I honestly thought I was going crazy,” sabi ni Brad, at patuloy na nagkuwento na hinanap na niya sa buong lugar kung saan nanggaga-ling ang bosees. Nang dumating ang kanyang misis na si Carrie, inasar siya nito na baka raw multo ang narinig ng mister. Pero narinig din niya ang boses pero nanghihingi na ng tulong.

Isang 29-taong gulang na lalaki na nakila-lang si Jordan Kajewski ang humingi ng tulong na “I’m in the chimney.” Noong una ay akala pa ni Caroll na boses iyon ng kanyang mister pero napagtanto nilang dalawa na may ibang tao nga nang nagsabi uli ito ng “I’m in the chimney!”

Tumawag sa 911 ang mag-asawa at nakuha naman si Jordan. Ayon sa binata ay nahulog daw ito habang nagla-laro ng tagu-taguan, pero hindi siya pinaniwalaan sa kanyang kuwento.

Inaresto si Jordan at nakasuhan ng trespassing.

Show comments