Madalas na hindi nabibigyang halaga ang mga kuko natin sa kamay at paa; kaya minsan lang itong ipalinis ng pa-manicure o pedicure.
Ang puting spot na lumalabas sa kuko na kadalasang nakikita sa hintuturo ay tinatawag na “lunula” na little moon. Noon ang alam ng mga bata na ang puting spot na nakikita sa kuko ay kung ilan ang bilang ng kanilang mga kaibigan. Pero ang totoong indikasyon ng puting spot ay pagkakaroon ng pressure o trauma sa ating kuko. Ang kuko ay kailangan ng keratin tulad din ng buhok. Ang mga pagkain na mayaman sa protein, healthy oil, good fats ay mainam pareho sa kuko at buhok.
Mas mabilis humaba ang mga kuko ng mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan; maliban lang kapag buntis ang mga babae. Ang stress at pagod na nararanasan ay nakapipigil din ng paghaba ng kuko at buhok sa ulo.