PERO hindi nagpa-challenge si Draz. Kahit pa tinawag siyang duwag ni Simeon.
Ano ako, tanga? Matapang ako pero alam ko kung paano lumaban sa ganito. Ang dami ninyong mga aswang kayo, kung hindi ako invisible, kanina pa ninyo ako nalapa!
Nakakuha ng matulis na putol na sanga ng kahoy si Draz. Nakatingin siya sa nakatihayang si Simeon.
Patayin ko na kaya itong lider na ito? Mabangis naman ito, e. Tiyak na walang patawad sa gustong lapain na tao!
Kinuha niya ang sanga pero nakita ni Simeon at ng mga kasama nito ang matulis na sangang parang inilipad sa ere.
“Pigilin ninyo ‘yan! Tiyak na ako ang pinupuntirya ng matulis na ‘yan!”
Nag-dive ang mga sakop ni Simeon sa tabi ng sangang nasa ere. Pero hindi na naman nila nahuli ang napakabilis na si Draz.
Bumagsak ang sanga sa lupa. Hindi ito natuloy sa dibdib ni Simeon dahil tumakas na si Draz. Mabilis na nakabalik sa kanyang home van.
At narinig na lang nina Simeon ang mapinong rebolusyon ng makina ng home van. Naramdaman nila ang paglayo nito.
“Nandidiyan lang pala ang kanyang mga sasakyan! Tulad niya, hindi nga lang din makita! Naisahan tayo ng taong ‘yon! Kapag napasakamay natin siya, isang libong beses ko siyang papatayin!”
Nakalayo na si Draz sa lugar na iyon. Pero wala pa rin naman siyang balak na tuluyang umalis sa lugar nina Avia.
Sa ngayon, nagkataong dito siya pumupuwesto sa loob na talaga ng teritoryo ng mga mabubuting aswang.
Pero hindi naman niya alam na nahahati sa dalawa ang mga aswang. Mga mabubuting aswang, sina Avia. At mga masasamang aswang, sina Simeon.
Hindi rin niya alam na dahil nahawa si Armani ng mga masasamang aswang pero mabuti pa rin ang kalooban nito at pag-iisip, kaya siya nito tinulungan noong muntik na siya sa mga masasamang aswang.
Here, this is my new territory. Hindi pa ako puwedeng umalis hanggang hindi ko naiintindihan ang mundo ng mga aswang. At makapatay ng mga delikado at masasama.
At hindi rin ako aalis hanggang h indi ako nakapanligaw kay Avia. Kahit pa may nobyo na siya, still ... may best man win. Itutuloy