Pagtatae

May good bacteria ang yogurt na nakagagaling ng pagtatae. Kumain ng yogurt dalawang beses sa isang araw para mas mapabilis ang paggaling ng pagtatae. Maganda rin kung hahaluan ng saging ang yogurt.

Gawin ang BRAT (Ba­nana, Rice, Applesauce, Toast) diet. Ang pagsama ng nasabing apat na pagkain sa inyong meal ay makatutulong sa pagpapagaling ng pagtatae. Iwasan lang lagyan ng mantikilya ang toast para hindi lumala ang pagtatae.

Mag-grate ng luya at ihalo ito sa isang kutsa­ritang honey. Maaari rin gumamit ng powdered ginger, ‘wag lang iinuman ng tubig para mas maging epektibo.

Uminom ng chamomile tea para maibsan ang pananakit ng tiyan dulot ng pagtatae. Kaya rin nitong pakalmahin ang ilang parte ng digestive system para sa mabilis na paggaling pagtatae.

Uminom ng isang kutsaritang apple cider vinegar at sundan ito ng isang basong tubig. Kung hindi kaya ang lasa ng apple cider vinegar, maaaring ihalo ito sa isang basong tubig at diretsong inumin. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.

Kumain ng kanin. Ang kanin ay nakakapagpatigas ng dumi. Siguruhing wala munang sabaw kung kakain ng kanin para mas epektibo.

Mas madali ang pag-recover sa pagtatae kung kakain ng carrot soup. Ang carrot soup ay puno ng nutrisyon na mainam sa katawan.

Show comments