Gustong Tikman ng Ex

Dear Vanezza,

Ako po si Efren, 40 years old. Nasa U.S. na ko naka base kasama ang aking asawa at mga anak. Umuwi ako sa ‘Pinas for 2 weeks pero ‘di kasama ang mag-ina ko. Nakipag-reunion ako sa mga ka-batch ko sa high school. Nagkita kami muli ng dati kong GF. Hiwalay na siya sa asawa. Gusto niya maging kami muli kahit nasa US na ko. Gusto niya may mangyari muli sa amin bago ako umalis. Naawa ako sa kanya. Ano ba ang gagawin ko?

Dear Efren,

Mag-isip kang mabuti. Huwag kang padadala sa tukso. Maganda at maayos na ang buhay mo. Isipin mo ang asawa at mga anak mo. May paraan para hindi mo siya siputin. Para panindigan na tapos na kayo at may sarili kang pamilya ngayon.

At sabihin mo rin sa kanya na mag-move on na siya. Kaysa pareho pang masira ang pamilya ninyong dalawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments