Pabor ka ba sa 3-child Policy?

*Tama lang para mabawasan na ang sobrang  dami ng tao sa ‘Pinas. Buti kung marunong mag-alaga ng mga anak ang mga magulang. Kawawa lang ang mga bagets. – Maribeth, Bicol

*Ibig bang sabihin gagastos na naman ang gobyerno sa pamimigay ng pills. Para makontrol ang 3 child policy? – Angel, Sta. Rosa

*Bakit ba mas magaling pa kayo sa mag-asawa. Kung ilang anak gusto nila. Ang Diyos ang nagsasara at nagbubukas ng matris ng isang babae. Marunong pa kayo? – Carol, Batangas

*Anong gagawin kapag lumampas sa tatlong anak? Multa lang? Dapat mas malaki ang tax nila kapag hindi sila sumunod. Magdusa sila. Anak nang anak tapos isisi sa gobyerno lahat ng problema. – Sally, Manila

*Malaking pakinabang din yan sa kalusugan ng mga babae. Magiging magaan din ang pamumuhay ng isang pamilya. Hindi masyadong mahirap magpalaki ng anak. – Malou, Cavite

Show comments