Respeto at Takot ng Anak
Malaki ang pagkakaiba ng respeto at takot. Sa katunayan, kapag nakararamdam ang anak ang pagmamahal at suporta mula sa kanyang magulang ay lumalaking masaya ang bata hanggang sa kanilang pagtanda.
Kailangan naman talaga ang disiplina sa loob ng tahanan. Pero hindi kailangan takutin ang mga anak at pagsabihan ng masasakit na salita na nakasisira ng permanente sa buhay ng mga bata.
Hindi naman kailangan takutin ang anak para makuha ang respeto. Hindi rin magandang epekto na maging mabalisa ang anak sa tuwing nakatatanggap ng text, tawag, o mail mula sa magulang dahil sa kanilang takot. Nawawala ang magandang koneksiyon sa pagitan ng anak at magulang na kaya lang napapasunod ang bagets ay dahil sa takot. Komunikasyon lagi ang solusyon sa problema sa anak at magulang; hindi dapat tinatakot ang bata para lang sa pilitan itong sumunod kina nanay at tatay.
Paano kung wala ang presensiya ng magulang, eh nagwawala at nagrerebelde na ito. Samantalang kung inaabot ang anak at tinuturuan ng tama saka ipamamalas din ang respeto ng anak sa kanilang magulang.
- Latest