Aswang Territory (151)

KAHIT panaginip lang iyon, nayanig na ang pagkatao ni Armani. Mahal na mahal kasi niya si Avia.

At aaminin niyang isang napakalaking karibal ni Draz kung sakali ngang totoong napakalaki ng gusto nito kay Avia.

Guwapo at mas matangkad pa nga si Draz kaysa kanya.

Alam din niyang mas matalino ito sa kanya at iba na ang level ng mga alam nito sa buhay. Napaka-high tech pa na tao.

Mas bagay pa yata ito kay Avia. Kung siya lang din ang kakumpitensya.

Maluha-luhang napabulong si Armani. “Pero pagdating sa pagmamahal, Avia ... walang makakapantay sa pagmamahal ko sa iyo. Lampas pa sa langit ang nasa puso ko para sa iyo, Avia.”

May kumakatok.

“Armani?”

“Avia ...”

“Narinig kitang sumigaw. Napadaan kasi ako dito sa silid mo papunta ako sa salas. Are you okay?”

 “Okay naman. Don’t worry.” Hindi niya maaring sabihin kay Avia na pati sa panaginip ay inaatake na siya ng sobrang insecurity.

“Mag-aalmusal na tayo sa garden, Armani. With fresh eggs and whole wheat bread. And fried fingers of a rapist!”

Nataranta si Armani. “Ano? Hindi ba hindi na tayo kakain ng tao?”

Natawa si Avia, nagbibiro lang pala. “Pinatatawa lang kita sa napakagandang umagang ito, mahal! See you in our garden! May newspaper tayo, iyon nga lang, kahapong issue pa ‘yon kasi alam mo naman dito sa lugar namin, late ng one day ang diyaryo kung dumating!”

Nakahinga nang maluwag si Armani. “Ikaw talaga ... okay, I’ll be in the garden pagka-shower ko.”

“Ha? Shower ka na kaagad? Aba, naiba ang routine mo, a.”

“Gusto ko kasi kahit bagong gising, mabango ang amoy mo sa akin!”

“Abaaa, nakakakilig ka naman, Armani! I love you! See you later!”

Napabuntong-hininga si Armani pag-alis ng nobya.

Naisip niyang sana nga ay lagi na lang siya ang mahal ni Avia. Kailangan lang talagang magtiwala siya nang husto na karapat-dapat siya kay Avia.

SINA Simeon ay may kausap. Isang espiya. Isang magandang lahi na ang loyalty ay palihim palang kay Simeon. - ITUTULOY

 

Show comments