Charge it to experience

Dear Vanezza,

Ako si Jun, 25 years old, nagkaroon ako ng nobya na akala ko ay natagpuan ko na sa isang babae ang lahat ng hinahanap ko. Iginalang ko siya at nirespeto. Pero nabigo ako dahil nahuli kong may iba siyang kaulayaw kapag wala ako. Nahuli ko sila ng biglaan akong umuwi at gusto ko sana siyang sorpresahin. Kahit mahal ko siya ay tinapos ko ang lahat sa amin. Ngayon ay parang na-trauma na akong umibig dahil baka muli na naman akong mabigo.  Jun

Dear Jun,

Sadyang mapaglaro ang pag-ibig. Habang hinahanap mo ay tila nagiging mailap sa ‘yo. Sa kabila ng kabiguan ay hindi ito dapat maging dahilan para tumigil ang iyong puso na magmahal. Mas mabuting umibig at mabigo kaysa hindi nagmahal kailanman. Charge it to experience. ‘Wag kang panghinaan ng loob. Matatagpuan mo rin ang babaeng pinapangarap mo. Kaya kilalanin mo ng mabuti ang paglalaanan ng pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments