Ice cream on stick aksidente lang nang matuklasan

Maraming produktong kinagigiliwan natin ang aksidenteng natutuklasan lamang. Tulad na lang ng pinagmulan ng paboritong pagkain hindi lang tuwing mainit ang panahon kundi buong taon, ang popsicle.

Ang popsicle (ice lolly) umano ay naimbento ni Frank Epperson ng California. Aniya, aksidente niyang nadiskubre ang paggawa ng frozen pudding taong 1905. Labing isang taong gulang siya noon nang maiwan niya ang isang baso ng pinaghalong soda at tubig na may mixing stick sa labas ng kanilang bahay isang malamig na gabi. Pero hindi umano 100% napatunayan ang kuwento niyang ito.

Ang napatunayan ay ang pag-patent niya ng konsepto ng “frozen ice on a stick” noong 1923. Mula noon ay ipinanganak na ang isa sa pinakaipinagpapasalamat ng mundo. Hanggang ngayon ay patuloy ang pagsulpot ng iba’t ibang ice cream on stick. Iba’t ibang flavor at klase na ito. Iba’t ibang hugis at sahog na rin ito mayroon. Burp!

Show comments