Ano Dapat ang Kulay ng Bahay Mo?
Depende iyan sa house number mo. Pagsama-samahin (addition) ang numero hanggang mag-single digit ang total nito.
House #1—yellow, gold, at orange ang masuwerteng gamitin sa house number one. Ang positive energy na ibinibigay ng number 1 sa mga nakatira ay ang pagiging imbentor o laging siya ang nagsisimula ng trend. Panatilihing maliwanag ang buong kabahayan upang manatili ang positive energy.
House #2—cream, green, at white ang masuwerteng gamitin sa house number two. Ang positive energy na ibinibigay ng house number 2 ay kapayapaan at pagkakasundo. Kadalasan ay friendly ang mga taong nakatira sa bahay na ito. Sikaping ayusin ang anumang sira ng bahay upang mapanatili ang positive energy. Mabuting manirahan sa house number 2 ang mga bago pa lang nagsasama o bagong kasal dahil may tendency na magtagal ang relasyon..
House #3—lilac, mauve, light blue, and violet ang masuwerteng gamitin sa house number 3. Masayahin ang mga taong naninirahan sa house number 3 kaya madalas ay may nakalagay na masayang welcome sign sa pintuan. Ang epekto ng number 3 ay nagiging sociable ang mga taong naninirahan dito.
Mahilig din silang maglagay ng bonggang dekorasyon sa bahay kaya kung minsan ay nagiging kakatwa na o nagkakagulo na sa dami. Palibhasa’y sociable ang mga nakatira, hindi sila nauubusan ng bisita.
House #4—blue ang compatible na kulay na sasamahan ng berdeng halaman sa loob at labas ng bahay. Mahilig maglinis at mag-ayos ng bahay ang naninirahan sa house number 4. Sila rin ay career oriented. Pampakalma ng kanilang busy life ang mga halaman sa loob ng bahay. - (Itutuloy)
- Latest