Ang salitang umbrella ay galing sa Latin word na “umbros” na ang ibig sabihin ay shade or shadow. Dati pinoprotektahan lang ng mga tao ang sarili mula sa sikat ng araw at ulan sa pamamagitan ng mahabang waterproofed na coat at hat. Pero noong 18th century sumulpot na ang payong na kinikilala bilang fashion accessory na ng mga kababaihan.
Ang unang lalaki na nagbitbit ng payong ay ang Englishman na si Jonas Hanway. Hanggang sundan ito ng ibang kalalakihan sa buong mundo. Ang magagandang disenyo ng mga payong ngayon ay katulad din ng makukulay na ginagamit noong panahon sa Greece at Rome. Sa China, Shangyu ay may mahigit isang libong factories ng payong. Ang bawat worker sa factory ay kailangang makatahi ng payong na 40 ng kada-oras.
Ginamit din ang payong bilang pang depensa na may nakatagong blade. Ang Bulgarian president na si Georgi Markov ay napaslang noong 1978 dahil sa deadly poison gamit ang payong. Marami ring religious group na ginagamit ang payong bilang bahagi ng kanilang seremonya at prosisyon. Ang folding umbrella ay ginawa ng Bradford Philips noong 1969. Ang unang waterproofed na payong ay ginawa naman sa China.