Walang duda na ginagawa ng mga magulang ang lahat ng paraan para maibigay ang mga pangangailang sa mga anak. At para lumaki ring malusog at masaya ang mga bata. Pero hindi maiiwasan na kahit ang mga magulang ay lumalampas din sa boundary, na imbes na makatulong ay nagiging toxic na rin sina nanay o tatay sa buhay ng mga anak.
Hindi man sinasadya ang ugali rin nina nanay at tatay ang nagiging dahilan ng pagiging emotional at pagkakaroon ng mental damage ng mga bata dahil naaapektuhan ang mga ito habang lumalaki ang mga anak.
Lalo na kung panay ang pintas ng negatibo ng mga magulang sa bawat kilos ng anak. Lahat na lang, mula sa pagwawalis, paghuhugas, paglalaba, at paano pa ang grades ng bata. Hindi man lang nakita ang effort ng anak sa kanilang pag-aaral, pero dahil sa sobra kung makapintas sa lahat ng ginagawa ng anak; puro kamalian lang ang nakikita.
Akala ng magulang ay paraan ito para maitama ang ginagawa ng anak sa kanilang mali. Sobra rin kung maka-react ang ilang nanay. Violent reaction agad ang sagot hindi pa alam ang buong detalye. Kaya kasunod na rito ang hindi makatuwirang galit sa hindi pagsang-ayon sa isyu o pagpapaalam ng anak.
Sana ay hindi pa huli ang lahat na malaman at makita rin ng magulang ang magagandang katangian din ng mga anak.