Dear Vanezza,
Ako si John. Ang problema ko’y in-love ako sa nobya ng bestriend ko. Close kami ng GF niya, pero wala pa kaming relasyon. Hindi naman kami pinag-iisipan ng masama ng friend ko dahil masyadong busy sa kanyang trabaho. Pero in love na ko sa kanya at may gusto na rin siya sa akin. Pinipigil ko ang sarili ko at natatakot ako dahil malapit na kaming mahulog sa isa’t isa at ayaw kong mangyari ‘yun. Lalo pa bestfriend ko ang aking tatraydurin. Ano ang dapat kong gawin?
Dear John,
Iwasan na ninyo ang bawat isa hangga’t hindi pa huli ang lahat. Ang nadarama mo sa babaeng iyan ay isang tukso. Huwag mong sabihing matatag ka at makakapagpigil sa iyong damdamin dahil walang sino mang humawak ng baga na hindi napaso. Ang pinakamabisang paraan para huwag matukso ay lumayo sa tukso. Hindi kasalanan ang matukso. Ang kasalanan ay kapag ang tao’y nagpatalo sa tukso. Manalangin ka sa Diyos na bigyan ka ng lakas upang mapaglabanan mo ito.
Sumasaiyo,
Vanezza