Pagtikim ng babae, trabaho sa Chile!
Grabe na ‘to! May isang trabaho sa Chile ang hindi kapani-paniwala. At marahil ito rin ang pinapangarap ng mga kalalakihang hayok sa babae!
Ang DJ/model na si “Jaime” ay isang quality control checker. Pero hindi lang basta-basta produkto o serbisyo ang kanyang sinusubukan para bigyan ng grado. Natutulog siya kasama ng iba’t ibang prostitutes at nakikisiping sa kanila.
Oo, may ganitong trabaho sa Chile para sa Fiorella Companions brothel.
Kinuha si Jaime ng nasabing brothel para i-rate ang mga female prostitutes na gustong mag-apply para maging VIP escorts. Dumadaan sa iba’t ibang test ang mga prostitute kabilang ang psychology test, photo sessions, interviews hanggang umabot nga sa final interview – sa piling ni Jaime.
Dahil sa sobrang nakaka-drain ang trabahong ito, kaya lang niyang gawin ang pagri-rate isang beses sa isang buwan at umaabot ng 70 na prostitute ang kanyang “nai-interview” kada-taon.
- Latest