Wolverine

Karamihan sa atin ay kilala si Wolverine sa palabas na X-Men.

Pero alam n’yo ba na may hayop talaga na wolverine kung tawagin?

“Skunk bear” din ang isa pang tawag sa hayop na ito. Sa mga miyembro ng weasel family, ang wolverine ang pinakamalaki.

Sila ay naninirahan sa bulubundukin ng Western Amerika.

Hindi maselan sa pagkain ang mga wolverine at kinakain nito anuman ang mayroon sa paligid. Kapag duma­ting na ang tag-lamig, nangangalap sila ng mga patay na hayop para iimbak at may makain ‘pag sila ay nagutom.

Tuwing tag-init naman, paborito nilang kumain ng maliliit na mammals gaya ng porcupines, hares, marmots, at ground squirrels.

Sanay sa mainit at malamig na klima ang wolverine kaya naman hindi na ito nagha-hibernate o ‘yung pagtulog ng mahaba ng mga hayop para maihanda ang kanilang mga sarili sa papalapit na tag-lamig.

 

Show comments