Napapansin mo ba ang mga toxic na tao ay gumagawa ng maraming problema.
Pero marunong din ba itong tumanggap ng responsibilidad sa mga kapalpakan niya?
Madalas ang toxic na kaibigan ay isinisisi sa iba ang kanilang pagkakamali. Minsan lang ito umako ng kanyang responsabilidad, pero mas marami na ang mali niya ay itinuturo sa ibang tao na kanyang sinisisi.
Mahirap maging secure sa ganitong klase ng toxic na tao, kaibigan, o kasama sa trabaho; lalo na sa isang relasyon.
Imagine na laging ikaw lang ang may kasalanan at bukang bibig pa nito na hinding-hindi siya puwedeng magkamali.
Kaya ikaw naman ay laging pasan mo rin ang mundo dahil sa iyo lang ibabagsak ang sisi, kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na ang toxic na kaibigan ang dahilan ng kaguluhan sa isang sitwasyon.