Hindi madaling makaahon kapag may masamang nangyari.
Kailangang dumaan sa proseso bago tuluyan na maka-get over sa masaklap at masakit na pangyayari para makaramdaman na safe muli.
Pero sa tamang self-help strategies at supporta mapapabilis ang recovery ng nararamdaman. Kahit pa anumang traumang nangyari ay puwedeng maghilom.
Imbes na magpokus sa malungkot na pag-iisip o pangyayari ibaling ang sarili sa ibang bagay. Tulad ng pag-ehersisyo na makatutulong na magbago rin ang takbo ng katawan at isipan. Ibuhos ang oras sa swimming, basketball, jogging, maging bahagi ng social activities, at magkaroon ng time para sa sarili, kaibigan, at pamilya.