EXCITED din si Avia sa pagbabagong kanyang napapansin sa sarili. “Pag-uusapan natin kaagad ito with Madam Helena and my family, Armani.”
“Kailangan, e. Dumadami na ang nakakakita sa atin, Avia. The latest ay ‘yung may teleskopyo. Ordinaryong teleskopyo lang naman siguro ‘yung gamit niya, ano?”
Nag-worry bigla si Avia. “I don’t think so, Armani. Iba ‘yung laki at features ng kanyang telescope. Hindi ba luminaw nang husto ang mga mata ko? Halos kita ko ang mga ditalye.”
“Pero telescope kaya ‘yon na pangmalayuang space? Kasi kapag ganoon, aba’y tiyak mapapa-maximize niya ang nakuha niyang visual sa atin. At ‘yung mga itsura natin, makikita niya nang husto.”
Hindi na nakasagot si Avia.
Lalo pang nabahala.
TAMA naman kasi si Armani. High definition telescope nga ang ginagamit ni Draz. Ang visual na nakita niya, makikita na ngayon sa malaking screen na nasa kanyang sala.
Kitang-kita ang mga itsura nina Avia.
“Whew! What a sight! Mga aswang o manananggal nga sila! Pero itong isang putol na aswang, may buhat na lalaking mukhang halimaw! Aswang din kaya ang lalaking ‘to? Bakit iba ang itsura?”
Sobrang naging intresado si Draz.
“Kumpirmadong totoo ngang may mga aswang. And these creatures are killers! May mga pulis na ngang nawakwak kamakailan lang!”
Pinag-isipan niya ang mga ditalye.
“They are heading to the North. I have to track them using my BTV.”
Ang BTV ay Bio Tracking Device na iilan lamang na mga Intelligence assets sa Amerika ang meron.
Nagkaroon siya nito dahil isa siyang Fil-Am na nagkaroon ng mataas na katungkulan sa Intelligence Unit Sa America. Nagawa niyang dalhin ang BTV nang nag-resign at umuwi na siya sa Pilipinas.
Agad nagbihis si Draz at inilabas ang high-powered bike niya sa kanyang garahe.
Dala na rin niya ang BTV, naka-on. Nasa kanyang helmet ang visual guide ng BTV, nakikita niya kung anong direksiyon ang dapat niyang tunguhin. -ITUTULOY