Magpanday ng tao
Kadalasan mas madaling magtanggal ng tao kapag hindi nito kayang mag-perform sa inaasahan. Ang siste, dahil sa bago na naman ang uupo sa puwesto, hindi rin nito alam kung anong gagawin sa pinalitan niyang tao. Kaya, paulit-ulit na sistema ang tanggalan blues.
Bago o luma mang tao ang inilagay sa puwesto, hindi maiiwasan na may makikita pa ring kahinaan sa bawat empleyado. Sa bawat desisyon ng admistrator na magpalit ng tao, isang batch pa rin ng may kahinaan ang kahaharapin.
Ang pinakamainam na gawin ay magsanay ng tao sa sinasakupan ayon sa kanilang talent o skills at maging sa mga kahinaan ng mga ito. Ang kahinaan ng mga tao ay magsisilbing hamon upang magkaroon ng pagkakataon na mahasa hanggang sa mapanday ang kanilang galing.
- Latest