K-12 ng School of Tomorrow 38 years na sa ‘Pinas

Ang mga trainors at delegates ng Educators’ Training na ginanap sa Tagaytay kamakailan.

Matagumpay na natapos last week ang first leg ng taunang Educators’ Training ng School of Tomorrow Philippines na may theme na Dare to Dream.

Ang training na nabanggit ay sabay-sabay na ginawa nationwide tulad sa Baguio, Nueva Ejicia, Makati, Las Piñas, Tagaytay, Lucena, Davao, at iba pang lugar sa bansa.

Ang Educators’ Training na ginanap sa Tagaytay ay pinangunahan ng mga trainors na sina Allan Rodrigo, Helen V. Mutya,  Jimielyn B. Lopez, at Christy Atos-Rodrigo na dinaluhan ng 17 schools na may 88 delegates.

Kung ang gobyerno ay ngayon pa lang magsisimula ng K-12 program, ang School of Tomorrow Phils. ay 38 years nang nagpapatakbo ng K-12 curriculum sa bansa na sinimulan ng mga American missionaries mula sa pamilya ng mag-asawang Rev. Delbert Hooge at Mrs. Lora Lee Hooge.

Bukod sa subok na sa quality education ang K-12 ng SOT, ito rin ay Character-Building Individualized Curriculum na ibig sabihin ay one on one na tinututukan ng mga supervisors ang bawat estudyante sa kanilang pag-aaral sa iba’t ibang subjects gamit ang PACEs o modules.

Sa mga nais mag-inquire ay maaaring tumawag sa 822 9663 o mag-log on sa sotphil.net.

 

 

Show comments