Paboritong baon sa beach

Tag-init na naman. Ito ‘yung mga panahong masarap maligo sa tubig dagat. Nagsisi-puntahan na rin ‘yung mga nakabakasyon sa iba’t ibang probinsya na kilala dahil sa magaganda nitong tubig alat.

Tuwing may outing, ‘di rin mawawala mga potaheng babaunin.

Siyempre, dapat bagay ang inyong mga lulutuin sa lugar na inyong pupuntahan.

Anu-ano ba ‘yung mga pwedeng ibaon ‘pag maliligo sa dagat, ilog, o swimming pool?

Hindi mawawala ang all-time favorite ng mga Pinoy, ang adobo. Hindi kasi ito mabilis mapanis at pwede na agad lutuin sa bahay. Masarap ang kombinasyon ng baboy at manok ‘pag mag-aadobo.

Siyempre pa, dapat ay may baon na sankaterbang kanin para hindi mabitin.

Bagay na bagay din sa beach/pool party ang ihaw-ihaw. Liempo, bangus, at tilapia ang ilan sa mga ulam na mabilis maluto ‘pag-inihaw at masarap pagsaluhan lalo na kung may ensaladang manga o talong na kapareha.

Hindi mawawala sa hapag ang pancit na paboritong merienda ‘pagkatapos mag-swimming.

Huwag din kalilimutan ang paper plate, baso, at kutsara’t tinidor. Kailangan ding magdala ng garbage bag para sa lahat ng basura at umalis nang walang iniiwang kahit na anong klaseng kalat.

Show comments