Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat alamin ‘pag ikaw ay mag-aalaga ng aso ay ang pagkain. Anu-ano ba ang mga pagkaing dapat niyang kainin at ano naman iyong mga bawal?
1. Tsokolate – Bawal na bawal ang tsokolate sa mga aso dahil meron itong caffeine at theobromine na maaaring ikamatay ng mga aso. Meron namang mga asong bumibilis lang ang tibok ng puso at nilalagnat pero karamihan ay hindi nakaka-survive.
2. Keso – siksik sa asukat at fatty components ang keso, pwedeng mag-LBM at magsuka si bantay sa pagkain nito.
3. Sibuyas – Lubhang ipinagbabawal ang pagpapakain ng sibuyas sa mga aso, sinisira nito ang red blood cells ng mga aso na pwede nitong ikamatay.
4. Bawang – Bilang parte ng pamilya ng mga sibuyas ang bawang, bawal din ito kay bantay dahil nakalalason din ito.
5. Ubas/Pasas – Pwedeng magkaroon ng kidney failure ang inyong mga aso dahil sa ubas at pasas at ikamatay matapos ang 2 hanggang 3 araw.
6. Mansanas – Kung niiwasan ng mga taong kainin ang buto ng apple dahil sa taglay na “lason” nito, mas grabe ang epekto nito sa aso dahil pwede itong ma-comatose at mamatay.