FYI

Tinawag na “Ama ng Balarilang Tagalog” si Lope K. Santos. Ipinanganak siya sa bayan ng Pasig, Rizal noong Setyembre 25, 1879. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Ang Kalinawan, Ang Kapatid ng Bayan, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay. Kilala rin si Lope K. Santos bilang mahusay na nobelista, makata, at manunulat. Ilan sa kanyang mga naisulat na nobela ay Banaag at Sikat, Salawahang Pag-ibig, at Kundangan. May isinulat din siyang tula tulad ng Puso at Diwa, Hamak na Dakila.

Show comments