Namamangka sa 2 Ilog

Dear Vanezza,

Ako po ay may bf, pero hindi ko siya mahal dahil mas mahal ko po ang aking dating bf na kababata ko rin. Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa kami. Itong present bf ko naman po ay nagmamahal ng totoo sa akin pero hindi ko po talaga magawang ibaling sa kanya ang pagmamahal na ibinibigay ko sa first love kong nobyo. Ano po ba ang dapat kong gawin? - Joi

Dear Joi,

Sabihin mo ang tunay mong damdamin sa lalaking umaasa sa iyo na hindi mo naman pala mahal. Masasaktan siya sigurado pero walang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. Pero ang tanong, mahal ka ba ng dati mong bf? Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon.

Sumasaiyo,

Vanessa

Show comments