AWANG-AWA si Avia sa nobyo. Payag ito sa ano mang gusto niya. Huwag kumontak kay Father Albert de hindi nga kumontak sa pari si Armani.
Pero kapag nalulungkot si Armani, si Avia naman ang hindi makakatiis.
“Guess what? Payag na akong pumunta sa Camiguin para dalawin si Father Albert.”
Hindi makapaniwala si Armani. “Talaga? Totoo?”
“Ano ka ba? Kelan ba naman ako nagbibiro sa ‘yo? Lalo na kapag alam kong seryoso sa iyo ang isang bagay. Tulad ng pagpapahalaga mo sa iyong kaibigang pari.”
“Avia, ikaw lang yata ang aswang na parang anghel, para ring santa.”
Napabungisngis si Avia. “Maiinis sa ‘yo ang parents at mga kapatid ko. Kasi minimenos mo sila.”
“Hindi naman, a.”
“Ayaw nilang ang nakikita mo lang na mabait ay ako lang. Dahil sa totoo lang, mga mababait din naman sila. Pare-pareho lang kaming kahit aswang ay fair pa rin kami sa lahat.”
“So di nga, talagang pupunta tayo sa Camiguin? Kelan? Gabi na, a.”
“Mas okay nga kung gabi. Para madali sa atin ang mag-travel. At wala pang gastos.” At kumindat pa si Avia.
“Walang gastos? Avia, ano’ng balak mo? Bakit walang gastos?”
Agad nagbanyos si Avia ng oil sa mukha, leeg, mga braso at kamay, mga hita at paa.
Binuksan pa ang blouse. At lahat na lantad na balat sa torso ay nilagyan din ng oil. Pati ang mga mayayamang bundok sa dibdib ay dinukot at nilagyan din ng oil.
Na-turn on tuloy si Armani. Pero nagpaka-gentleman. Nagpigil nang husto para hindi panggigilan ang napakagandang kasintahan.
At sa isang iglap ay nag-transform si Avia. Naging aswang.
“Avia!”
“GRRRAAAAWWWWLLLL!”
Agad namang kumalma si Armani. “Hindi ako natatakot sa ‘yo, Avia! Alam kong isa kang napakabait na aswang!”
Hinila ni Avia si Armani.
Tahimik lang si Armani, kinagat na lang ang labi. Maya-maya, isang aswang na kaybilis lumipad, patungo sa Camiguin. May isang lalaki sa likuran nito, ayaw tumingin sa ibaba dahil nininerbiyos. Pero nag-i-enjoy nang husto dahil libreng yakap siya sa aswang na napakaganda. Itutuloy