Ang isa sa mga mahal pero matibay na lutuan ay ang mga cast iron cookware. Pero kalawang at natuyong sauce ang kalaban sa maling pag-aalaga nito.
Oven cleaner at white distilled white vinegar lang ang katapat nito. Siguruhing naka-gloves sa pag-coat ng oven cleaner sa cast iron pan. Ang oven cleaner ay isang aerosolized lye foam na maaaring makasunog ng balat. Ilagay sa garbage bag ang pan para hindi matuyo ang oven cleaner na inilagay.
Iwan ang pan sa garbage bag ng ilang araw para matunaw at matanggal ang mga mantsa at kalawang. Matapos ang dalawang araw, punasan ang cleaner at maglagay uli ng panibagong coating at i-tsek pagkatapos ng tatlong araw.
Kung sobra ang pangangalawang at mantsa sa pan, maaaring iwan ito sa loob ng isang linggo. ‘Pag natanggal na ang mga mantsa, babalik sa dating original cast ang pan pati ang kulay nitong silvery-gray.
Para naman matanggal ang lye at natitirang mantsa, punasan lang ito ng paper towel at banlawan sa mainit na tubig.
Para ma-neutraize ang lye at mapalambot ang natitirang kalawang, ibabad ang nalinis na pan sa 2:1 solution ng mainit na tubig at distilled white vinegar ng 30-60 minuto. ‘Pag lumambot na ang mga natitirang dumi, kuskusin lang ito ng steel wool. Sabunan at banlawan ulit ang cast iron pan sa mainit na tubig at patuyuin.
Siguradong tatagal pa ang cast iron cookware na ito ng ilang taon at maaari pang ipasa sa susunod na mga henerasyon. Burp!