Alam n’yo bang hindi lang katas ng lemon ang puwede ninyong pakinabangan? Yes, pati po balat nito. Hugasan munang mabuti ang balat. Kudkurin ang yellow part gamit ang cheese grater. Huwag isasama ang white part dahil mapait ito. Ang tawag sa kinudkod na yellow part ay lemon zest. Upang mapakinabangan nang matagal, ipini-freeze nila ito para magamit sa ibang araw.
Ang lemon zest ay punong-puno ng flavonoids at polyphenols na kumukontrol sa blood glucose level. Sa halip na lemon juice, ihalo ang lemon zest sa marinade ng barbecue at sa vegetable salad. Nagpapasarap na, magkakaroon pa ng anti-diabetic properties ang inyong barbecue at salad. Nagbibigay din ito ng kakaibang “sipa” kapag inihalo sa leche flan.
Anu-ano pa ba ang pakinabang sa balat? Ang lemon zest ay nagtataglay ng 5 to 10 times more vitamins kaysa lemon juice! Excellent source din ito ng fiber, potassium, magnesium, calcium, folate at beta carotene. Mayroon din itong high amounts ng calcium at vitamin C, na pumipigil sa osteoporosis, inflammatory polyarthritis, at rheumatoid arthritis.