^

Para Malibang

Huwag Itapon ang Balat ng Lemon!

ABH - Pang-masa

Alam n’yo bang hindi lang katas ng lemon ang puwede ninyong pakinabangan? Yes, pati po balat nito. Hugasan munang mabuti ang balat. Kudkurin ang yellow part gamit ang cheese grater. Huwag isasama ang white part dahil mapait ito. Ang tawag sa kinudkod na yellow part ay lemon zest. Upang mapakinabangan nang matagal, ipini-freeze nila ito para magamit sa ibang araw.

Ang lemon zest ay punong-puno ng flavonoids at polyphenols na kumukontrol sa blood glucose level. Sa halip na lemon juice, ihalo ang lemon zest sa marinade ng barbecue at  sa  vegetable salad. Nagpapasarap na, magkakaroon pa ng anti-diabetic properties ang inyong barbecue at salad. Nagbibigay din ito ng kakaibang “sipa” kapag inihalo sa leche flan.

Anu-ano pa ba ang pakinabang sa balat? Ang lemon zest ay nagtataglay ng 5 to 10 times more vitamins kaysa lemon juice! Excellent source din ito ng  fiber, potassium, magnesium, calcium, folate at beta carotene. Mayroon din itong high amounts ng calcium at vitamin C, na pumipigil sa  osteoporosis, inflammatory polyarthritis, at rheumatoid arthritis.

ANG

ANU

HUGASAN

HUWAG

ITO

KUDKURIN

LEMON

MAYROON

NAGBIBIGAY

NAGPAPASARAP

UPANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with