Hindi uso ang bigayan ng regalo sa bansang Turkey kung ika’y nagpapa-impress o gusto mong manligaw, o magpakilala at bumuo ng matibay na relasyon. Mas katanggap-tanggap at nanaisin pa nila ang kumain sa labas o kaya’y mag-sight seeing kaysa sa mga mamahaling regalo.
Pero kung magbibigay ka ng regalo ay malugod naman nilang tinatanggap ang mga ito. Mas mainam kung magreregalo ng pagkain, kagamitan, o crafts mula sa bansang pinagmulan. Maa-appreciate nila ito dahil artistic silang mga tao.
Maging maingat din sa pagbibigay ng alak, ang bansang Turkey kasi ay isang Muslim country. Kaya siguruhing umiinom ang inyong pagbibigyan.
Sa pagkakataon namang maimbitahan ka ng isang Turkish sa kanyang bahay kinukunsiderang magbigay ng mamahaling regalo. Ang kadalasang ibinibigay na regalo ay pastries lalo na ang baklava. Maaari rin magbigay ng pangdekorasyon sa bahay tulad ng mamahaling vase. Hindi rin sila masyadong nagbibigay ng mga bulaklak pero maaari naman kung nanaisin. Magtanong lang sa florist ng magandang uri at arrangement ng bulaklak.
Kung ang bahay naman na bibisitahin ay may mga anak, mas maganda kung magdadala ng mamahaling tsokolate at kendi.