HALATANG natuwa ang mga kapamilya ni Avia sa ginawa nito.
“Ibig bang sabihin hindi na nagbibigay ng sakit ng ulo sa ‘yo ang boyfriend mo kaya malaya kang nakapag-hunt ng iyong pagkain, Avia?” Masayang tanong ng isang ate.
“Okay naman talaga si Armani, Ate. Walang problema. Kung iintindihin lang natin siya. For me, tama lang naman ang mga reaksyon niya. Normal lang naman ang manibago, ang magulat, ang matakot kahit ayaw niyang mangyari ‘yon.”
“Buweno, iha ... bukas ay magbabawi kayo ng pagkain ng masustansiya. Mula almusal hanggang dinner, magpakabusog kayo. Dahil napakarami naman nitong naiuwi mo. At titiyakin ko na pinakamasarap na mga putahe ang maluluto ng ating mga kasambahay.” Deklara ng inang aswang.
“Sige po, Mama. Salamat po. Titingnan ko ho muna kung kumusta si Armani. And then matutulog na ho ako.”
“Sige. Good job, iha.”
Pinagkakaguluhan agad ng mga kasambahay ang mga inuwing “karne” ni Avia. Handa na silang magluto ng gourmet.
DAHAN-DAHANG binuksan ni Avia ang silid ni Armani. Natuwa naman siya dahil hindi ito naka-lock.
Ibig lang sabihin, Armani ... hindi ka takot sa amin. May tiwala ka kahit mga aswang kami. Kasi kung hindi ganoon ang nararamdaman mo, isasarado mo ang pinto. Gusto kong ganito ka, mahal. Because you really can trust us. Kahit hindi pa total approval ang estado mo sa aking pamilya, I’m sure na dahil mahal na mahal kita they have accepted you already. And they will never do any harm to your being.
Nakita nga ni Avia na himbing na himbing si Armani. Parang batang natutulog na walang takot sa paligid. Nang biglang tumunog ang celfone ni Armani na nasa katabing side-table lang. Napatingin doon si Avia at nagulat siya sa pangalang nasa screen. FATHER ALBERTO SANDIEGO.
Pari? Bakit ngayon ko lang nalaman na may pari pala sa buhay mo, Armani. Is he a relative? A friend?
At bakit kaya siya tumatawag? Madaling-araw pa lang!
Another problem na naman ba natin ito, Armani? I hope not ... nakakapagod naman. Nag-a-adjust ka pa nga lang sa pamilya ko and then here comes a priest ... makikialam din ba ito sa atin? Itutuloy