Marami nang naghihintay na Overseas Filipino Workers sa pangako ng gobyerno ng Saudi na babayaran ang delay na suweldo ng mga manggagawang Pinoy sa Gitnang Silangan.
Maging ang mga naiwang pamilya ng OFWs sa ‘Pinas ang nag-aabang na matupad na agad ng mga opisyal sa Saudi ang kanilang statement.
Nakalulungkot isipin kung ilang buwan nang atrasado ang suweldo ng mga OFWs, at kung paano nakakaraos ang mga pamilya nila sa bansa. Kung saan kumukuha ng panggastos araw-araw, pamasahe, at pagkain? Mabuti kung may trabaho rin ang kanilang mga misis sa ‘Pinas paano kung wala, tiyak na baon din sa utang ang mga kawawang pamilya ng OFWs sa bansa.