Eh, Kasi...In Love

Panaginip: Nagha-honeymoon kami ng ­aking boyfriend sa isang island dahil bagong kasal kami. Masaya at makulay ang paligid. Ibig bang sabihin nito ay kami na ang magkakatuluyan?---“Magenta”

Interpretation: Napanaginipan mo lang na ang mga bagay na iyon, dahil ‘yun ang wish mong mangyari. Umaapaw sa kaligayahan ang iyong puso dulot ng pag-ibig mo sa iyong boyfriend. Habang natutulog ka ay humulagpos ang nag-uumapaw na damdaming ito at lumabas bilang panaginip. Nagkaroon ng kaganapan sa iyong panaginip ang pinapangarap mong mangyari sa tunay na buhay.

Show comments