Kung pababayaan ang tumatagas na tubig sa washing machine, maaaring magbaha ang inyong laundry room o kaya ay likod bahay, kung saan man kayo naglalaba.
Isa sa mga karaniwang dahilan ng tumatagas na tubig sa washing machine ay ang pagkakaroon ng butas o crack sa rubber hose nito.
Siguruhing nakapatay at nakatanggal sa outlet ang washing machine, bago tingnan ang rubber hose sa likod nito. I-check kung may butas o crack nga ang rubber hose sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng tubig. Kung mayroon nga, siguruhing bumili agad ng pamalit dito upang maiwasan ang mas malaking sira na maa-ring idulot nito sa washing machine. Kung pababa-yaan, baka magkaroon pa ng aksidente.
Maaaring bumili ng replacement hose sa mga hardware. I-unscrew lang ang lumang hose at ikabit ang bago. Siguruhing mahigpit ang pagkakakakabit sa bagong hose gamit ang liyabe (wrench).
Isa pang tip, bumili ng steel braided hose para sa mas matagalang gamit at siguradong mas matibay pa ito. Mas mahal nga lang ang steel braided type na hose.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay mara-ming paraan!