Hindi talaga maiiwasan na may inggitero sa paligid sa school man, trabaho, o kapitbahay.
Karamihan ang inggitero ay insecure na tao, na pinipilit na maging feeling close sa kasama o kaibigan na pinag-iinggitan. Kaya maglagay ng puwang sa iyong boundary para malimitahan ang paglapit niya sa iyo.
Huwag makihalubilo sa ganitong tao. Ang pag-iwas sa inggitero ay magsisilbing proteksyon sa negative energy na makukuha sa kanya.
Sikaping iwasan na makipag-usap o makasama ang insecure na tao, dahil baka mahawaan ng pangit na pananaw sa buhay.