Sponge na Panghugas ng Pinggan: Magpalit every week dahil milyong bacteria ang naiipon. Banlian ng mainit na tubig araw-araw. Ngunit dapat pa rin bumili ng bagong sponge kada-isang linggo.
Unan: Palitan tuwing ika-isang taon at kalahati. Habang tumatagal, ang unan ay pinamamahayan ng molds, dead skin cells, at dust mites na nagiging dahilan ng allergies, tagihawat at ibang sakit.
Loofah: Palitan tuwing ika-tatlong buwan. Pagkatapos maligo, banlian ito ng mainit na tubig at ibilad sa araw. Type na type tirahan ng bacteria at fungal organisms ang loofah na pagmumulan ng skin infection.
Bra: Ika-6 or 12 buwan. Lumuluwag na ito at mali na ang fitting. Nagdudulot ng discomfort kagaya ng backpain at bad posture.
Toothbrush: Magpalit tuwing ika-3-4 months o basta nabusalsal ang bristles, payo ng American Dental Association. Ang lumang toothbrush ay pinamamahayan ng microorganisms. At saka kung busalsal na ang bristles, hindi na ito epektibo sa paglilinis ng ngipin. Sayang ang toothpaste, may tinga at tartar ka pa rin sa iyong ngipin.
Baby Pacifier: Bumili ng bago tuwing ika-2 buwan. Ang lumang pacifier ay pinamamahayan ng biofilm na magdudulot ng colic at ear infection. (Itutuloy)