Kadalasang makakakita kayo ng L-cysteine sa listahan ng ingredients na ginamit sa paggawa ng tinapay. Ang ingredient na ito ay isang non-essential amino acid na idinadagdag sa maraming baked goods bilang pampalambot ng dough para mapabilis ang prosesong industriyal ng tinapay.
Pero kung ang ibang L-cysteine ay direktang ginagawa sa mga laboratories, ang buhok ng tao ay sinasabing pinakamura at natural na pinagkukunan ng nasabing protein. Ang buhok ay tinutunaw sa acid at inihihiwalay ang L-cysteine sa isang chemical process. Medyo nakakadiri hindi ba?
Ang iba pang pinagkukunan ng L-cysteine ay balahibo ng manok, pato, sungay ng baka, at petroleum by products.
Ganun pa man, ang ibang Western countries ay ‘di labag sa pagkain ng tinutunaw na buhok ng tao. Pero marami pa rin lalo na ang mga Jews at Muslims ang hindi pabor sa paghahalo ng L-cysteine sa mga tinapay para ikonsumo.
Kaya kung ayaw ninyong “kumain” ng buhok ng tao, tingnang mabuti ang ingredients sa susunod na pagbili ng tinapay. Burp!