Tiis Ganda sa Buwanang Dalaw

Ang pagdurusa sa tiis ganda ng mga kababaihan ay hindi lang sa pagda-diet at iba’t ibang klase ng beautification procedures para ma-achieve ang kagandahang hinahangad.

Ang monthly period din ng mga babae ay isang proseso ng tiis ganda.  Sa panahon kasi ng buwanang dalaw ng mga babae ay nakararamdan ng pananakit ng puson, ulo, dumaranas ng diarrhea, at nasusuka. May iba pang drama na mainitin ang ulo, pikon, naiiyak, at  nakikita ang mali; na ang sumatutal lang pala ay  magkakaroon ng regla.

Sa panahon kasi ng menstrual period ay nagpo-produce ng mga bagong chemicals sa bahagi ng matris, cervics, at lining ng uterus. Ang mga bagong inilalabas na chemicals tulad ng hormones ang siyang  nagpapaganda ng balat, nagpapakinis, at nagtatanggal ng wrinkles at kulubot sa mukha ng mga babae.

Kaya madalas kapag dumarating ang monthly period ay tiis-tiis ganda muna, upang mag-release ng bagong fluid, nang ikaw ay magmukhang fresh at sariwa.

Pero ibang usapan na kung ang kaso ay sobrang sakit ang nararamdaman kapag may dsymenorrhea.

Kaya mahalagang regular na magpakonsulta sa inyong doctor ng malaman ang pinanggagalingan ng matinding sakit sa puson.

Show comments