Dear Vanezza,
Tawagin n’yo po akong Mitch. Dalawang taon na kaming kasal ng asawa ko.
Six months lang kaming mag-on at nagyaya na agad siya pakasal. Totoo pala na hindi mo makikila ang isang tao hanggang hindi mo nakakasama sa iisang bubong. Maganda naman pareho ang trabaho namin at wala pa kaming anak. Nag-aalangan kasi ako dahil ngayon ko lang nalaman na sugarol pala ang napangasawa ko. Mahilig din siyang uminon at madalas nagyayaya ng kaibigan sa bahay na halos abutin na sila ng hating gabi sa paglalasing. Panay din ang paninigarilyo. Imbes na makaipon kami ng pera, ay napupunta sa bisyo niya ang sinasahod namin. Kapag sinasaway ko siya ay nagagalit lang sa akin. Nangangako pero inuulit din. Ano po ang gagawin ko? Hindi ko alam kung matatagalan ko ang kanyang ugali. Nagsisisi ako sa aking pinakasalan. Sana ay kinilala ko muna ang tunay niyang pagkatao, dahil natanso ako sa tunay niyang ugali. Payuhan n’yo po ako.
Dear Vanezza,
Ang sabi nga ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi kanin na iluluwa kapag napaso. Huwag kang sumuko, marami pang pagsubok ang haharapin n’yo bilang mag-asawa. Ang maganda ay wala pa kayong anak. Makatutulong kung ipapatingin mo siya sa psychologist o humarap kayo sa marriage counseling pareho. Sana matugunan agad ang problema n’yong mag-asawa habang maaga.
Sumasaiyo,
Vanezza