Mga anak sa Luxembourg nakadepende sa mga magulang ang kursong kukunin sa kolehiyo

Grabe ang family ties sa bansang Luxembourg sa Western Europe. Dahil sa maliit na bansa lang ito sa Europa, marami sa mga tao rito ang nanantili sa kanilang bayan kung saan sila ipinanganak at lumaki. Kaya naman malalapit ang extended families ng mga tao rito.

Nasa kaugalian na nila ang pagiging obligasyon ng isang tao sa kanyang pamilya. Pamilya rin ang priority ng bawat mamamayan dito. Pamilya muna ang kanilang inuuna bago ang ibang tao maging kaibigan pa man at pansariling kapakanan.

Malaki rin ang impuwensya ng mga magulang sa kursong kukunin ng kanilang mga anak sa kolehiyo maging ang career na tatahakin ng mga ito pagtanda. Sa pamilya nakadepende ang lahat at ang lakas ng bawat isa.

Hindi sila tulad ng ibang mga bansa na pagsapit sa tamang edad ay “pinakakawalan” na ang mga anak para mamuhay nang mag-isa.
Dahil dito, ang pamilya rin ang sentro ng isang komunidad. Ang bawat pamilya sa isang komunidad ay may natata­nging “role” sa lipunan. Hindi nila pinababayaan ang isa’t isa at magandang halimbawa ang kanilang nakaugalin ng salitang “bayanihan”

Show comments