Madalas na natutuksong manatili pa ng mas matagal sa pinapasukang trabaho. Pero kung naghihintay pa ng kaganapan na baka sakaling may mas magandang pang mayayari, malamang matatagalan pa sa urong-sulong na desisyon na umalis sa opisina.
Ang matagal na pananatili sa maling trabaho o “bad job” ay mas malaking oras at energy ang nasasayang. Lalo ring kakainin ang self-confidence na kakailanganin sa paghahanap ng bagong trabahong pinakamimithi.
Karamihan sa mga nag-resign ay nagsisisi na sana ay mas maaga nila itong ginawa dahil na “stuck” pa sila ng matagal sa hindi naman gustong trabaho.